Huwebes, Disyembre 14, 2017

REPORMASYON

REPORMASYON

Image result

Ang repormasyon ay isang kilusang ibinunsod para sa malaking pagbabago ng tao tungkol sa relihiyon. Layunin ng repormasyon na baguhin ang pamamalakad ng simbahan.

Ito ay unang naganap noong ika-16 na siglo na itinuturing na mahalagang bahagi ng ating kasaysayan na kung saan iminumulat nito ang mga tao sa hindi maiwanang ugnayan ng estado at simbahan.


Ang aking napagtanto ay ang repormasyon ay isang himagsikang panrelihiyon sa loob ng simbahan. layunin neto na ayusin at baguhin ang pamamlakad ng dating simbahan o dating pinuno ng simbahan. layunin rin nito na pigilan ang pagbebenta ng indulhensiya at iba pa.

RENAISSANCE

RENAISSANCE

 

 ng Renasimiyento ay isang panahon sa Europa, mula ika-14 hanggang ika-17 dantaon, at itinuturing na nagtulay sa pagitan ng Gitnang Panahon at ng makabagong kasaysayan. Nagsimula ito bílang isang pagkilos na kultural sa Italya noong hulihan ng Panahong Medyebal at tuluyang kumalat sa iba pang bahagi ng Europa, na nagpaumpisa sa Sinaunang Makabagong Panahon.Ang naging batayang intelektuwal ng Renasimiyento ay ang sariling-likha nitong bersiyon ng humanismo, mula sa muling pagkakatuklas sa klasikal na pilosopiyang Griyego, tulad ng kay Protagoras, na nagsabi na "Ang tao ang sukatán ng lahat ng bagay. (Ingles: "Man is the measure of all things.)". Ang panibagong pag-iisip na ito ay inihayag sa sining, arkitektura, politika, agham, at panitikan. Ang mga sinaunang halimbawa ay ang pagpapaunlad ng persperktibo sa pagpipintang langis at ang ginamit muling kaalaman sa kung paano gumawa ng semento. Bagama't pinabilis ng imbensiyon ng metal movable type ang pagkalat ng mga ideya sa dulo ng ika-15 dantaon, ang mga pagbabago ay hindi pantay-pantay na naranasan sa buong Europa.

 

Ang aking napagtanto ay na ang renaissance ay nagsilbing tulay mula sa gitnang panahon at nakabagong panahon.naging batayan nito ang mga klasikal na pilosopiya ng mga griyego.maunlad at mabilis ang mga perspektibo. ngunit hindi pa rin pantay pantay ang mga pagbabago.

Lunes, Disyembre 11, 2017

MERKANTALISMO

MERKANTALISMO

Image result for MERKANTILISMO 

Ito ang namayaning kaisipan pang-ekonomiya na gumagabay sa mga patakaran ng maraming bansa sa daigdig noong unang panahon. Isinusulong nito ang kaisipan na ang kapangyarihan ng isang bansa ay nakasalalay sa dami ng ginto at pilak dahil sa panahong iyon, nakasalalay ang pamumuno at pagkakaroon ng kapangyarihan ng isang pinuno sa dami ng ginto at pilak. 

 

 

Ang napagtanto ko sa merkantalismo ay ito ay umiikot sa dami ng ginto at pilak.payamanan ang usapan. ang pinuno ay magiging pinuno o magkakaroon ng kapangyarihan kung madami siyang ginto at pilak.

BOURGEOISIE

BOURGEOISIE

Related image 

Ang Burgesya  ay mga taong nasa gitnang antas ng lipunan na naging makapangyarihan at maimpluwensiya sa ekonomiya. Kasingkahulugan ang burgesya ng pariralang mga kapitalista , mga nangangapital, mga namumuhunan (tingnan ang kapital o puhunan) at mangangalakal. Ayon sa teoriya ni Karl Marx, ang mga burges ang katunggali ng mga proletaryo.

 

 

ang  aking napagtanto ay ang burgesya ay ang gitnang antas ng lipunan. sila ay nasa larangan ng ekonomiya. naging malago sila dahil sa ekonomiya.sila ay mga mangangalakal.

 

Sabado, Disyembre 9, 2017

MANORYALISMO

MANORYALISMO

Related image 


Ang manoryalismo, senyoralismo, o senyoryo ay isang makaprinsipyong organisasyon o komunidad na sumibol noong unang panahon lalong lalo na sa gitnang-kanlurang Europa. Ito ay isang pamamaraan ng paghawak ng isang panginoong may lupa ng mga malalawak na lupain. Ang sistemang ito ay hindi rin nagtagal ng mahabang panahon. Isa itong sistemang pang-ekonomiya kung saan ang mga taga-bukid ay nagbibigay ng serbisyo sa isang piyudal na hari, pinuno, o may-ari bilang kapalit ng proteksiyon.


ang aking napagtanto ay ang manoryalismo ay kapareho lang halos ng piyudalismo nauna ito ngunit hindi rin nagtagal. pareho lang rin na ang mga mangbubukid  ay nagbibigay ng serbisyo sa pinuno kapalit ng kanilang sasariling kaligtasan.

     

PIYUDALISMO

PIYUDALISMO

 Related image




 Ang piyudalismo o peudalismo ay isang sistema ng pamamalakad ng lupain na kung saan ang lupang pag-aari ng panginoon ng lupa o may-ari ng lupa ay ipinasasaka sa mga nasasakupang tauhan na may katungkulang maglingkod at maging matapat sa panginoong may-ari.[1] Isa itong sentralisadong pamahalaan kung saan isinusuko ng basalyo o taong alipin ang kanyang lupa sa isa isang panginoon. Ang basalyo ang nagmamay-ari ng lupa ngunit isinusuko niya ang lupang ito para sa kanyang seguridad. Noong panahon ng piyudalismo, hindi sapat ang seguridad ng isang simpleng mamamayan. Tinatawag na fief ang lupang isinuko.[1] Nagkakaroon ng omahe o pagbibigay-dangal  – ang pagkilala ng isang basalyo o tenanteng dapat siyang maging matapat sa kanyang panginoon sa pamamagitan ng isang seremonya  – bilang pag-iisa ng panginoon at ng basalyo



ang aking napagtanto na ang piyudalismo ay isang sistema na lahat ng panginoon na may ari ng lupa ay pinapaalagaan sa kaniyang mga naasasakupan na hindi mag rerebelde sa panginoon kung baga ang tiwala ng mga tao ay dapat sa panginoon nila lamang.isa pa ay ang alipin ay pwede ring isuko ang kanyang lupa sa panginoon upang sa kanyang sariling kaligtasan.