REPORMASYON
Ang repormasyon ay isang kilusang
ibinunsod para sa malaking pagbabago ng tao tungkol sa relihiyon. Layunin ng
repormasyon na baguhin ang pamamalakad ng simbahan.
Ito ay unang naganap noong ika-16 na
siglo na itinuturing na mahalagang bahagi ng ating kasaysayan na kung saan
iminumulat nito ang mga tao sa hindi maiwanang ugnayan ng estado at simbahan.
Ang aking napagtanto ay ang repormasyon ay isang himagsikang panrelihiyon sa loob ng simbahan. layunin neto na ayusin at baguhin ang pamamlakad ng dating simbahan o dating pinuno ng simbahan. layunin rin nito na pigilan ang pagbebenta ng indulhensiya at iba pa.
RENAISSANCE
ng Renasimiyento ay isang panahon sa Europa, mula ika-14 hanggang ika-17 dantaon, at itinuturing na nagtulay sa pagitan ng Gitnang Panahon at ng makabagong kasaysayan. Nagsimula ito bílang isang pagkilos na kultural sa Italya noong hulihan ng Panahong Medyebal at tuluyang kumalat sa iba pang bahagi ng Europa, na nagpaumpisa sa Sinaunang Makabagong Panahon.Ang naging batayang intelektuwal ng Renasimiyento ay ang sariling-likha nitong bersiyon ng humanismo, mula sa muling pagkakatuklas sa klasikal na pilosopiyang Griyego, tulad ng kay Protagoras, na nagsabi na "Ang tao ang sukatán ng lahat ng bagay. (Ingles: "Man is the measure of all things.)".
Ang panibagong pag-iisip na ito ay inihayag sa sining, arkitektura,
politika, agham, at panitikan. Ang mga sinaunang halimbawa ay ang
pagpapaunlad ng persperktibo sa pagpipintang langis at ang ginamit
muling kaalaman sa kung paano gumawa ng semento. Bagama't pinabilis ng imbensiyon ng metal movable type ang pagkalat ng mga ideya sa dulo ng ika-15 dantaon, ang mga pagbabago ay hindi pantay-pantay na naranasan sa buong Europa.
Ang aking napagtanto ay na ang renaissance ay nagsilbing tulay mula sa gitnang panahon at nakabagong panahon.naging batayan nito ang mga klasikal na pilosopiya ng mga griyego.maunlad at mabilis ang mga perspektibo. ngunit hindi pa rin pantay pantay ang mga pagbabago.
MERKANTALISMO
Ito ang namayaning kaisipan pang-ekonomiya na gumagabay sa mga patakaran
ng maraming bansa sa daigdig noong unang panahon. Isinusulong nito ang
kaisipan na ang kapangyarihan ng isang bansa ay nakasalalay sa dami ng
ginto at pilak dahil sa panahong iyon, nakasalalay ang pamumuno at
pagkakaroon ng kapangyarihan ng isang pinuno sa dami ng ginto at pilak.
Ang napagtanto ko sa merkantalismo ay ito ay umiikot sa dami ng ginto at pilak.payamanan ang usapan. ang pinuno ay magiging pinuno o magkakaroon ng kapangyarihan kung madami siyang ginto at pilak.
BOURGEOISIE
Ang Burgesya ay mga taong nasa gitnang antas ng lipunan na naging makapangyarihan at maimpluwensiya sa ekonomiya. Kasingkahulugan ang burgesya ng pariralang mga kapitalista , mga nangangapital, mga namumuhunan (tingnan ang kapital o puhunan) at mangangalakal. Ayon sa teoriya ni Karl Marx, ang mga burges ang katunggali ng mga proletaryo.
ang aking napagtanto ay ang burgesya ay ang gitnang antas ng lipunan. sila ay nasa larangan ng ekonomiya. naging malago sila dahil sa ekonomiya.sila ay mga mangangalakal.
MANORYALISMO
Ang manoryalismo, senyoralismo, o senyoryo ay
isang makaprinsipyong organisasyon o komunidad na sumibol noong unang
panahon lalong lalo na sa gitnang-kanlurang Europa. Ito ay isang
pamamaraan ng paghawak ng isang panginoong may lupa ng mga malalawak na
lupain. Ang sistemang ito ay hindi rin nagtagal ng mahabang panahon. Isa
itong sistemang pang-ekonomiya kung saan ang mga taga-bukid ay
nagbibigay ng serbisyo sa isang piyudal na hari, pinuno, o may-ari
bilang kapalit ng proteksiyon.
ang aking napagtanto ay ang manoryalismo ay kapareho lang halos ng piyudalismo nauna ito ngunit hindi rin nagtagal. pareho lang rin na ang mga mangbubukid ay nagbibigay ng serbisyo sa pinuno kapalit ng kanilang sasariling kaligtasan.
PIYUDALISMO
Ang piyudalismo o peudalismo ay isang sistema ng
pamamalakad ng lupain na kung saan ang lupang pag-aari ng panginoon ng
lupa o may-ari ng lupa ay ipinasasaka sa mga nasasakupang tauhan na may
katungkulang maglingkod at maging matapat sa panginoong may-ari.[1] Isa itong sentralisadong pamahalaan kung saan isinusuko ng basalyo o taong alipin
ang kanyang lupa sa isa isang panginoon. Ang basalyo ang nagmamay-ari
ng lupa ngunit isinusuko niya ang lupang ito para sa kanyang seguridad.
Noong panahon ng piyudalismo, hindi sapat ang seguridad ng isang
simpleng mamamayan. Tinatawag na fief ang lupang isinuko.[1] Nagkakaroon ng omahe o pagbibigay-dangal – ang pagkilala ng isang basalyo o tenanteng
dapat siyang maging matapat sa kanyang panginoon sa pamamagitan ng
isang seremonya – bilang pag-iisa ng panginoon at ng basalyo
ang aking napagtanto na ang piyudalismo ay isang sistema na lahat ng panginoon na may ari ng lupa ay pinapaalagaan sa kaniyang mga naasasakupan na hindi mag rerebelde sa panginoon kung baga ang tiwala ng mga tao ay dapat sa panginoon nila lamang.isa pa ay ang alipin ay pwede ring isuko ang kanyang lupa sa panginoon upang sa kanyang sariling kaligtasan.